I said I'll quit writing.. Well, I was lying then.

Isang Mahabang Update

Saturday, December 1, 2007

..para sa isang mahabang pagkawala.

Una, salamat sa mga taong bumati sa kaarawan ni Pink Urinal. Salamat sa lahat ng mga naghihintay pa rin na mag-post ako. Salamat sa lahat ng mga nagbabasa at nagiiwan ng 'makatuturang' comments. Yey! Salamat po sa inyong lahat.

Hindi na ko masyadong busy ngaun. Pero wala pa rin akong time. Hindi ko pa rin alam kung bakit nahihirapan pa rin akong mag-blog. Eeeek. Writer's block ata. Or blogger's block. Anyway, ayun. Medyo mahirap magsulat recently.

Kagabi galing ako ng CCP (Cultural Center of the Philippines). Meron kasing pagtatanghal. "Amado, minamahal…" ung title. Parang mixture ng theatrical drama, concert, atbp. Isa itong pagbibigay dangal sa mga alagad ng sining sa bansa. Ayun, poetry concert pala un. *sinearch ko sa Google eh.. hehe* Kasama dito ang mga national artists at iba pang mga taong hinahangan sa larangan ng sining. Kung sino sino sila, hindi ko na kilala. Pero kung interesado kayong malaman, google search nyo lang, 'amado minamahal'. Madaming relevant links na lalabas. :)
 
So ayun nga, nagdagsaan ang mga art enthusiasts. Madaming tao. Maraming aktibista. Madami rin mukhang raliyista. Mga taong pula ang dugo. Madami rin napadpad lang dun kasi required sa mga subjects nila sa school - tulad ko, andun lang ako kasi required sa Malikhaing Pagsulat elective ko. Madami rin sa kanila ang hindi ko kilala. Haha. Ako rin naman mahilig sa art. Nakaka-appreciate ako ng mga gawa nila, pero itanong mo sa akin ang mga pangalan nila, tatawanan lang kita kasi hindi ko sila kilala. Mas nakakatawa kasi aspiring writer ako, tas kakaunti lang na Filipino writers ang kilala ko. Parang feeling ko nga kagabi, OP ako sa crowd. Hindi ako makarelate sa mga pangalang binabanggit nila. C'mon. Pero kapag narinig ko na ung tula or liriko, alam ko naman. Nakakatawa talaga. Prerequisites. Anyway, iwan na natin yang mga pangalan-gawa thingy na yan.

Kung andun ka kagabi, wala kang masasabi sa production nila. C'mon. National artists for visual arts, theater, literature etc ba naman eh! San ka pa? Hindi kasi ako marunong gumawa ng reviews eh, kaya hindi ko rin kayo mabibigyan ng maayos na review. Google search nyo na lang ulit, malamang madami na yan ngayon. Ang haba na pala nito.

Bago pala ako pumunta ng CCP kagabi, dumaan muna ako ng Adriatico street. Amp#$%!@#! Ang haba pala ng Adriatico street! May hinahunting kasi ako na barber shop na may nakadisplay na 'tattered flag'. Yes, 'tattered'. That's the term. Nakita ko kasi sa blog ni Danny Arao, tapos parang may pa-contest sya about it, bibigyan nya daw ng book (Monitoring Media Coverage of Elections, co-authored by him) ang unang magsasabi kung ano 'yung name nung barber shop. Eh ako naman, dahil desperately in need ako ng topic na pwede kong iblog, go naman ako sa Adriatico street. Nakakatawa rin kasi hindi naman ako mahilig sa election at lalong hindi ako media-man. Pero ayos din kasi 'pag nagkataon, meron akong free book. Hehe.

'Yun nga palang 'tattered flag' ay may symbolism. About sa state of nation ng 'Pinas. Para sa mas makabuluhang thought about it, click nyo na lang 'yung link sa taas, 'yung "pa-contest". Promise, basahin nyo.

Next sa update list ko, lapit na ang graduation. Sa monday na ang deadline ng filing of candidacy for graduation. Agh. Meron pa akong isang incomplete na subject. AI. May hindi kasi ako naipasang program eh, ung four-in-a-row. Basta ganun. Eh nahihirapan na kong gawin ngayon kasi napaglipasan na nang panahon. Nakakatamad na. Pero, hey kailangan ko na gawin kasi baka hindi ako grumadweyt. Sayang naman diba? *Bugbugin kita, Cai, eh*

Tapos Awitan na sa Dec 14. Ngaragan na ang pag-re-rehearse. Iyon nga palang Awitan ay isang university-wide choral competition tuwing December sa UP. Champs lang naman kami last 2005. Iyak-tawa kami last year. At dahil last Awitan na namin 'to (ako, si Louis, si Lew na head namin, atbp na ggraduate na this sem), sobrang kakaririn na ang pagpa-praktis. Kumusta naman, "Bells of Notre Dame" ang piece namin! Mas mataas pa sa winning piece namin last 2005 na "Do you Hear the People Sing".  Kawawa kaming mga soprano. Tapos ung required piece naman namin this year ay "A Christmas Carol". Kumplikado ang pag-kaka-arrange. Pero maganda. Kapag nagawa namin 'to ng maayos, sigurado na ang pagkapanalo. Haha.

So ayun, mahaba na pala 'to. Bored ka na ba? Break time ka muna. Punta kang Newgrounds.com. Tas search mo, mr. boomba. Tas panoorin mo muna. Kapag tapos ka na, balik ka dito para tapusin basahin 'tong pagkahaba-haba kong post. Madami pa ko gustong sabihin eh. Haha. Go na, hintayin kita.

Pero kung hindi ka naman bored, or kung napanood mo na si Mr. Boomba at si Mr. Boomba Jr., read on.

Konti na lang pala ang mga napadpad dito sa balagag ko. Siguro dahil sa minimal ang update, at hindi na rin ako naglalaboy. Haha. Sounds fair naman. No bloghop, no visit. Haha. Anyway, plano ko na namang pagyamanin ang literary blog ko. For the nth time ko na ata 'tong pinaplano pero hindi ko parin naaasikaso. Hmm.. Pero SERIOUSLY, gusto ko nang maayos na literary blog. Ayun nga lang, hindi ako literati. Anyhoo, dito lang muna siguro ako magpopost ng mga works ko, at 'yong mga writing exercise namin sa Malikhaing Pagsulat na lang muna ang ilalagay ko. Good start na siguro yun.

Agh. Ang dami ko palang gustong gawin sa buhay ko. Pero sa bawat gusto ko, madaming 'PERO' ang nakaharang.

1. Gusto kong mag-take ng masteral ng Com Sci. PERO feeling ko hindi ko kaya. Hindi ako magaling sa kahit na anong may kinalaman sa computer science. 'Yung tipo ko eh 'yung tamang pumapasa lang. Minsan pa nga, gumagapang pa 'ko para lang makapasa. Kung nagkaroon man ako ng mga subjects na may grade na between 1.0-1.75 sa CS, ayun ay dahil kinarir ko ang subject, madali lang 'yung subject or mabait lang talaga ang prof.

2. Magturo sa UP. PERO kailangan kong magmasteral kung magtuturo ako ng full time. See [1].

3. Magkaroon ng BA degree sa Film. At maging super galing/sikat na indie film maker. PERO wala akong pera para sa ganyang bagay. Kelangan ko muna ng milyones. Para may pang-produce ako ng sarili kong pelikula na ako ang sumulat at ako rin ang magdidirek (cost-cutting nga ito). Hehe. Pero honestly, wala akong alam sa politika at industriya ng film making.

4. Magtayo ng business. PERO hindi ko alam kung anong klaseng business (ang hindi malulugi at siguradong papatok at magpapayaman saken). Tsaka hindi ko rin alam kung saan hahanap ng kapital.

5. Magpublish ng libro. Kung anong laman, hindi ko pa sigurado. Pwedeng nobela. O kaya collection ngprosa at tula. PERO nahihirapan akong magsulat. Ok. Sige na nga. Lumang tugtugin na. Pero seryoso, feeling ko hindi naman talaga ako writer. Nagpapaggap lang. Sabi lang ni Louis na marunong ako. Bias un eh. Hindi ko lang ma-explain kung paanong sinabi ni Baquiran (prof ko sa Malikhaing Pagsulat three years ago, google search nyo sya) na pwede akong sumali sa Palanca. Halos lahat naman ata pwedeng sumali dun.

 
So hanggang dito na lang muna, masyado na 'tong mahaba. At pinagagalitan na ko ni Louis Andrew Dizon dahil may dapat pa kaming tapusin. Hehe. Blog ako ng blog. Hehe. See yah guys! Namiss ko kayong lahat. Bye bye! 

 

Pahabol,

Mga ilang beses ko nang tinangkang iwan ang pagbablog. Bigo lahat nang pagtatangka. Weeee.. BLOG ON!


Posted by caiabbass at 1:23 pm | permalink

Previous Comments

Yes. Tayo ay maraming trabaho. Sa wakas at nakagawa ka na ng post mo. Hindi ka na nagbloblog hop. Hindi mo na nababasa mga post ko. Haha. 3 na ang blogs na minamanage ko. May bagong mukha na ang Pragments. Sayang naman eh.

Posted by Louis at December 1, 2007, 3:54 pm

hiningal ako sa pagbasa ah. ang haba nga. mukhang kelangan talaga karirin ang lahat ng bagay ngayon hehe. good luck in everything Cai.. yeah Blog On! yahOoOooo!

Posted by dimaks at December 1, 2007, 8:06 pm

Whew, kakalunod. Haha. Anyway, okay nga daw ‘yung kay Amado. Haha. Basta kaya ‘yan! Pareho tayo. Gusto ko rin magturo sa UP kaso ‘yun nga, dapat may masterals. Amp.

Posted by Gerome at December 1, 2007, 9:03 pm

I am glad to see at least two persons who want to join the faculty. Don’t worry, you just have to ensure that you do not get a grade of 5 in ANY subject for your application to be considered.

MSCS is not that difficult and you do not need to be a nerd to take on the MSCS subjects. What you need to have is the discipline and the drive to pursue research. If you are seriously considering this, please see me. :)

Posted by Rom at December 2, 2007, 8:48 am

tanong: Kelan graduation nyu?

Balak kong pumunta e… makiki sali! hahha…

Posted by Vic at December 2, 2007, 3:27 pm

Yes, you’re right about the name of the barber shop along Adriatico Street. You may pick your copy of the book from the UP Department of Journalism. Thanks for your participation! Cheers!

Posted by Rising Sun at December 3, 2007, 8:24 am

pfft, masterals? chicken :B

Posted by aragorn at December 3, 2007, 7:26 pm

Hmm. Sabi nila, you’ll go wrong with a food business dahil we all it (don’t we?). :D

Posted by Gian Paolo at December 5, 2007, 10:19 pm

haha “you’ll NEVER go wrong” pala :)

Posted by Gian Paolo at December 5, 2007, 10:20 pm

tagalog!! i love iiiiitt!:P

Posted by unjeh at December 7, 2007, 8:28 am

wow!!! ang haba ng update mo…. di ko alam kung san ako magko-koment pero it’s nice to know na okay ka pa rin kahit bihira kang makapagsulat dito!! mwuaaahuggggzzz!!

lam mo sis, para di ka maguluhan… concentrate ka muna sa ngayon para yung mga gusto mo sa future e matupad dahil may maganda kang nasimulan! goodluck… at pag mayaman ka na, dont forget about me ha!! nyahahaha! joke!!

aymissshuuuu so much! ingatz ka en God bless!! galingan ang pag-awit… :)

Posted by rHo at December 7, 2007, 10:52 am

elo cai-sis!!!

san ka na? ok na ung orig kong bahay cai-sis! hehee..mis u na..gimik tau ha pag-uwi ko! btw, updated na ako sa mga blogposts mo cos im using a feedaggregator. try mo rin sis..eto link http://www.fingertalks.com/2007/12/06/an-invitation-to-my-blogging-friends-to-try-this-free-feed-aggregator/

best regards lagi!

Posted by fingertalks at December 8, 2007, 7:01 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








     

December 2007
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

iDisclose

    

Subscribe

Technorati
Bloglines

MyBlogLog

Analytics

Recommendations