Asan na ba sya at bakit hindi na ata sya naguupdate ng blog? Bakit kung hindi meme, eh puro mga ads na lang ang laman ng blog nya? Bakit ba hindi na sya nakakadalaw sa kapitbahay nya, lalo na sa mga sites na paborito nyang puntahan at sa mga taong paborito nyang basahin?
May sakit ba sya? Sana naman wala. Mahirap na magkasakit ngaun.
Siguro sobrang busy nya lang talaga. Lalo na ngaun na EIC sya ng Parser, active sa CBI activities, may kaliwa't kanang raket para masustentuhan ang sarili, may anim na CS subjects at syempre, simula na ng thesis.
Sana nga hindi sya nawalan ng ganang mag-blog. Madalas kasing atakehin un ng 'inferiority complex. Kesyo ganito ganyan. May pagka-eccentric din kasi un.
Hay. Anyway, kung asan man sya ngaun at kung ano man ang ginagawa nya, alam kong miss na miss na nya kayong lahat! Sa pagkakaalala ko, nasabi nya saken na gusto nyang sagutin lahat ng comments nyo at magsend ng emails sa inyo *manually* pero hindi rin daw sya makahanap ng oras. Tsaka, kung pipiliin lang daw nya ugn mga saagutin nyang comments, unfair naman daw dun sa iba pang mga nagcomment. Kaya nama para fair sa lahat, wala muna syang sinasagot. Haha.
Ay isa pa pala, nagbabalak pala syang gumawa ng isa pang blog pero parang Academics Blog nya. Parang Pink Urinal At School. Engk. Tsaka rin food blog nila ni Louis. Sana makahanap na sya ng time kasi sigurado ako, may mga nakakamiss din sa makulit na batang 'to. Haha.
Sige na nga. Dahil wala si Cai, ako na lang magsasabi:
Salamat po sa mga bumibisita sa Pink Urinal kahit na parang dinadaig na nya ang isang inactive na bulkan. Sana po ay wag mawala ang inyong interes at sana'y magpatuloy ang magandang pagsasamahan. Hayaan nyo po, kapag nakakita talaga ako ng oras, dadalawin ko kayong lahat. Halata naman na minamadali ito, hindi na ko nag-effort mag-Ingles. Haha, sayang eh, lalagay ko muna sa Parser.. Haha.
Naks, Filipino kung Filipino. Lol.
Goodluck sa iyo aking friendship!
Sana matuloy ang food blog ninyo ni boyps. Lutuan niyo na rin ako wehehehe
Posted by Mica at June 27, 2007, 12:14 ampaki sabi naman kay cai, hello. wait ko na lang syang magpost ulit!
Posted by SexyMom at June 27, 2007, 2:16 amcai, ngayong andito na ako, ikaw na naman ang wala. di bale, ganyan talaga ang buhay buhay. ![]()
looking forward to your next post.
pkisabi rin, dito lang kami…nagaabang sa kanyang pagbabalik.
Posted by malaya at July 1, 2007, 1:54 pmako rin di nakaka update pero ngayon try ko na hehehe…
happy sunday
Posted by mousey at July 1, 2007, 7:31 pmhello cai! galeng naman nitong entry na to.hehe… ingatz po..god bless po
you want to see me?
haha… let’s set up a date then…
haha, sige na…
nasa AS steps lang naman kami lagi…
:P
hi cai! sorry sa off-topic comment!
Posted by toniwoni at July 2, 2007, 7:03 pmhey! its ok we understand lalo na kung tungkol sa school which is very important so ok lang yan. just take it easy and dont stress too much. in the end all ur hardworks will paid off.
basta take care of urself at dont forget to rest. mahirap nga mgkasakit lalo na kung ngthethesis kana. goodluck to u. i know u can do it.
take care always. mwahugs..ill pray for u so everything will go smoothly with ur thesis.
Wow at may ala-answering machine pang nalalaman… hehehe….
May Thesis na rin ako ngayon. Good luck na lang sa ‘tin.
ache che.. umatras.. hehehe
Posted by Eli at July 7, 2007, 4:12 pmcai, kumusta na?
hehe, sorry tagal ko nang hindi nakapag blog. dami ko namiss dito a. hehe.
good luck sa thesis!
~^_^~
Posted by thejokethâ„¢ at July 9, 2007, 5:25 pmPssttt!!!! May bagong entry sa blog ni Wacky. Oo, yung madalas mong pinupuntahan dati. Alam ko gusto mo… punta na!
Nasaan na nga ba si Cai?
Salamat sa kanin? A-attend ka ba sa Top Ten eyeball?
Posted by Culture Shiok! at July 25, 2007, 12:37 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
elow mis cai,
hay, T___T tagal tagal na akong nag tr-try sumigaw sa tagboard mo, kamusta naman at buwan na hindi pa rin ako makapag post.
” cannot use owner’s email or address ”
ganyan lagi sinasabi. miss na kita T__________T
Posted by miztakumi at June 26, 2007, 11:00 pmingat kaw po lagi T____T