I said I'll quit writing.. Well, I was lying then.

Typhoon Durian

Saturday, December 2, 2006

 Kasing baho ng Durian ang lupit ni Bagyong Reming (or international code Typhoon Durian).
Kung ikinakatuwa ng mga taga-Metro Manila na hindi sila tinamaan ng bagyo at ikinadidismaya naman ang misleading na anticipation sa direction ng bagyo, ikinalulungkot at ikinadudurog naman ng puso ko ang hindi inaasahang pagdaan ni Reming sa Mt Mayon region.

Ang mga lugar na tulad ng Padang at Guinobatan sa Albay region pati na rin ang mga bayan sa Cagayan region ay lubog sa tubig, putik at abo. As of 26 minutes ago according to the Natonal Office of Civil Defense, 208 na ang naitalang patay, 261 pa ang bilang nang nawawala at 90 naman ang sugatan.

Ang lupit ni Reming, walang pinalagpas. Sa lakas ng hangin nya na umaabot sa 139 mph (mas malakas pa kesa kay Milenyo), walang nakaligtas: bata at matanda, babae at lalaki, mayaman at mahirap. Pati ung mga ash deposits na namuo sa slope ng Mt Mayon, inagos ng ulan ni Reming papunta sa mga kawawang bayan. Ung mga palayan nga sa Cagayan region nagmistulang mga lawa.

Patuloy pa rin ang paghuhukay sa mga bayang nasalanta. Ikinakatakot na tataas pa ang bilang ng mga matatagpuang patay. Wag naman na sana.

Nakakalungkot diba? Ung mga taong un sa Mt Mayon region ay inalaagan  nung mga panahong nagababanta ang pagsabog ng bulkan. Pero anong nangyari? May mga buhay pa rin na nalagas.. Hindi nga kapabayaang ng PHILVOCS ang nagpahamak sa kanila, misleading news naman ng PAGASA.

Ano? Masaya pa ba na hindi Metro Manila ang tinamaan ng bagyo?


Posted by caiabbass at 9:54 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








     

December 2006
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

iDisclose

    

Subscribe

Technorati
Bloglines

MyBlogLog

Analytics

Recommendations